Monday, September 12, 2011

a 4-day weekend

apat na araw na akong nagpapasarap sa buhay at ako ay masaya. pagkatapos ng klase ko, pumunta ako kay cheche kasama si jade. pagdating namin sa lamay siyempre nagkape kami, uminom ng tanduay, kumain ng walang katapusang noodles at makinig sa kwento ni aling hindikokilala. ang mga kwento niyang balahura at katatawanan. naiintindihan ko naman kong ba't ganyan ka ngayon... ang kaso nga lang eh ganyan ka na noon pa. tapos may dalawa pa... nakakainis diba... pero sige na lang. inabutan kami ng umaga duon at pagdating namin ni jade sa piapi, nagkape kami at nagbiskwet kasama si jikko at carol sa hardin ni esperanza at jaime. nang maramdaman kong galit na ang antok sa akin, pinagbigyan ko siya. makalipas ang ilang oras, ginising ako ni jade sa kanyang mga tanong dahiiiiiiiiiiiillllllllllll,,,, dahil di daw siya makatulog. kaya ako ay nagising at hindi na nakatulog pa. walang tubig. walang pagkain. walang nahugasan na pinggan. wala lahat pati kapatid ko... pagdating ni john, nagyaya ako na pumunta na lang kami sa bahay ni ate marsha at ni kuya gaga para makigamit ng tubig at maibsan na rin ang pagtatampo nila sa hindi ko pagdalaw. Nang dumating kami duon, nanuod kami ng walang katapusang pelikula at nagpatugtog ng walang katapusang mga kanta. kumain, nanood at nag-inuman kinagabihan. tinawagan namin si tobol para humabol at paligayahin ang gabi namin. pagdating niya, tig-iisa kami. hindi ko namalayan sa sobrang lakas ng lola ka, kain na ako ng kain hanggang sa ako'y sumuka. natawa na lang ako ng makita kong parang hindi man lang dumaan sa ngipin ko ang mga pagkain dahil buong-buo pa sila tulad ng sinusubo ko pa lang..natapos ang gabi na tulog kaming lahat. kinabukasan, nagising kami at kumain ng breakfast. pagkatapos ay nagmovie marathon na naman... Ng biglang maisip ni urs na uminom. ang ending? uminom kami at pumunta ng agdao kasama si tobol and jade. sumakay kami sa kanyang traysikol na meron pang kahoy na lalagyan ng mangga... ako ay bumakrayd habang si jade eh parang nasa heaven lang. heaven nga. kasi pagdating sa agdao, nagsimula ng gumulo ang utak ni tobol. kahit na ayaw na namin, sige pa rin siya ng sige. kaya tuloy namputsa naglalakbay kami sa walang katapusang r castillo at downtown na silaw sa ilaw. pagdating sa quirino eh sambakul na ang mukha ng aking kapatid... nagsimula na sila:; kumanta, sumayaw at ang walang katapusang kwento ni tobol. marami kaming ginawa at hindi ko naisip na baka nagiging perwisyo na kami dahil masaya naman... ng biglang tumayo si tobol at magtutungayaw ng hindi kaaya aya sa pandinig. dahil ako ay mabait, linambing ko pa siya at sinabihang huwag ng ipagpatuloy ang kanyang karumal dumal na sinabi.. pero sige pa rin siya ng sige at hindi ko na alam kung ano anong kulay na ang lumabas sa aking mukha. alam ko at nababasa ko na alam ni marsha kung anong naramdaman ko sa mga panahong iyon. alam naming dalawa at garantisadong sinabihan niya si tobol. hindi ko ipinahalata dahil ayoko ng gulo at ibilad ang aking mga kasama sa isang walang kwentang argumento. kaya nagdesisyon akong huwag na munang kumibo at mag isip. ng biglang ratsada na naman. kaya tinawag ko na si john sa labas para lang makita kung nakikinig na lang sila sa amin at hindi na nagsusugal. alam niya. alam niya ang mga nasabi at mga nangyari. alam rin ni jojo at ni kuya gaga.. alam ng lahat pwera kay jade at jikko na hindi ko alam kung nasaan na...:) umalis kami ng nakangiti pa rin at naglakad dahil wala na kaming mga pera. naglakad kami galing ng quirino hanggang piapi. pagdating sa boarding house ora mismo kaming nagluto at nagpakatulala.. ang aking naisip eh ang sama ng loob kay tobol at ang walang hangganang sumit..:) nang makakain, tumambay ako sa terasa at natulala ng biglang sumulpot ang aking kaibigan. si rolly kasama si jade. nagkita sila sa roxas habang pauwi si jade sa mabini. bumili kami ng isang kahong red horse at uminom hanggang sa maisip naming hindi na namin kaya at tumihaya sa aking kwarto. Meron pa palang nangyari. May isang Santa Klaws kagabi na nakabiruan ko. nabigla ako ng kumabig si santa at nanghingi ng regalong hinding hindi ko maibibigay........ panirang puri. babalik ako sa aking kwento... nagising ako at nanghingi ng pambigas kay rolly subalit hindi na siya nakakain dahil tinawagan na siya ni jr. umalis siya at sinabing babalik kinagabihan. wala akong ginawa pagkatapos kumain eh ang maghintay kay sumit. nagkausap naman kami yon nga lang eh hindi natapos sa isang magandang maghihiwalay dahil nagalit ang loko sa akin at biglang hindi nagpakita. kaya natulog ako at nagising nang walang kasiyahan. hinayaan kong magnet si john at kumain na. hanggang hating gabi eh naghintay pa rin ako sa kanya. humingi ng pasensya at nagmakaawang magonline siya dahil malungkot ako. natupad naman pero 5 minuto lang dahil pagkatapos niya akong pagalitan at pinanood sa cam eh biglang tinulugan ako. kaya heto naisip kong magblog na lang dahil ayoko rin namang makipagkonekta sa kahit na sinuman ngayong gabi o pati siguro bukas. ewan

No comments:

Post a Comment